October 2nd, 2008

boarders

Posted by V in V, reklamo, shorts

yung mga langgam ang may ari ng bahay namin. kami yung nakikitira dito.

mga walang awa na mga nilalang, pare-parehas lang naman kami na kumakain ng malamig na gardenia loaf bread, eh ewan ko kung bakit malaki ang galit nila sa pamilya ko. partikular sakin kasi pati mga damit ko dinidestroy (wow ~dinedestroy~) pa nila. buti kung tig-singkwenta pesos lang ang presyo ng isang blouse, tapos ininvade na nila yung kutson ko sa kama. :-L isa lang kinatutuwa ko sakanila. nagigising ako ng maaga kasi kinakagat nila ako. bihira na ako ma-late sa trabaho.

my name is what?o sya, tapos kaninang umaga naligo ako. yung towel ko, kulay dark green… posible bang makita ko sila agad? hindi diba? nakalimutan ko, towel nga pala NILA yun. sorry little creatures of satan! [insert &%&*$%@!]

ansakit ng muka ko. huhu

15 Responses to ' boarders '

Subscribe to comments with RSS or TrackBack to ' boarders '.

  1. James said,

    on October 2nd, 2008 at 8:18 pm

    Kawawa naman po kayo, nilalanggam kayo ng walang kalaban-laban. Siguro po sweet kayo kaya kayo nilalanggam no? Hehe.

    Nice site po. Babalik po ako.

    [Reply]

    V Reply:

    ewan ko nga ba. anliliit na kaaway! salamat! balik ka lang.

    [Reply]

  2. pao said,

    on October 2nd, 2008 at 9:43 pm

    Anubayun, James.

    Dinedestroy! Haha. It’s so us. But my goodness, you don’t have ants in your house, you have mantes. The size of a bulldog!

    [Reply]

    V Reply:

    i know. ansakit padin pao! yikee, pao na sya ngayon, ito ba ang transformation?

    [Reply]

  3. mnel said,

    on October 2nd, 2008 at 10:23 pm

    hala. ano ba yan vera. ako dati yung likod ko naman ang pinutakti nila. yung towel kong puti, nandon pala sila. di ko sila nakita dahil nga malabo ang mata ko. tsk tsk. lagyan ng ointment para mawala agad.

    [Reply]

    V Reply:

    yung likod ko naman doc tadtad ng pimples. :( aruhuhuy. nawalan nga ako ng pimpols sa muka, sa likod naman sila bumawi.

    [Reply]

  4. minor said,

    on October 2nd, 2008 at 10:43 pm

    pare-parehas lang naman kami na kumakain ng malamig na gardenia loaf bread

    do you think napagkamalan nilang loaf bread ang pisngi mo?

    [Reply]

    V Reply:

    palagay ko nga :( salamat sa pagdalaw.

    [Reply]

  5. utakmunggo said,

    on October 3rd, 2008 at 5:18 am

    sweet siguro ang buong angkan nyo, vee.

    ingat lang baka pati tenga nyo pasukin. masakit yon!

    [Reply]

    V Reply:

    buti nga at hindi naman nangyari yun! ewan ko lang po mami pero sweet naman si inday at dudung kahit 32 years na nakalipas buhat nung ikasal sila

    [Reply]

  6. churvah said,

    on October 3rd, 2008 at 12:12 pm

    nakaw!
    ay may ganyan din dito,
    at namimili pa ang mga hinayupak na langgam na yan, ung mga bagong biling damit pa ang tinitira,tsk!

    ang sakit pa kamong mangagat.
    aun,sana okay na pisngi mo.

    btw,effective ung parang chalk sa ipis,pahiran mo ung paligid ng closet mo or yung mga dinadaan nila,infairness naman sakin, wala ng langgam sa closet ko,hehe!

    churvah´s last blog post..brb

    [Reply]

    V Reply:

    oo nga eh. kaso andami talaga nila, gusto ko na sunugin yun bahay dahil sa kanila. ayus naman na ang pisngi ko, wala nang mga pantal. pero garabe ang kati talaga

    [Reply]

  7. damdam said,

    on October 3rd, 2008 at 3:09 pm

    ayaw nila ng paminta.. so kung ako sa iyo, yung binabaybayan nila palig ang lagyan mo ng pamintang durog.. it works! kaso babahing ka kung may allergic rhintis kang matindeh.. but at least wala na yung little creatures…

    damdam´s last blog post..anak nga kita (na-tag pala ako ni lyzius.. sakto!)

    [Reply]

    V Reply:

    nako krass. sensitib yung ilong ko. minsan gusto ko na magpa-nose transplant. hahahaha. pero sige, try ko dun sa may kusina namin yung pamintang durog

    [Reply]

  8. ayz said,

    on October 3rd, 2008 at 6:02 pm

    lintik na mga langgam yan a!!

    ako dati nakagat ng langgam sa deds.. shet sobrang saket!!

    make it a habit to make pagpag (wow make pagpag) nalang your towel! (wow konyo attack!!)

    [Reply]

    V Reply:

    oo masakit nga yun sos. ganun na nga, parang orasyon lang pag maliligo ako. ahahah

    [Reply]

  9. Axel said,

    on October 4th, 2008 at 12:08 am

    Bakit ka nagpalit ng lay-out mo?? Ganda nung una eh… hehehe…

    Nangyari din sakin yan nung nakaraan lang… Pag-uwi ko from church, kala ko nakaapak lang ako ng bahay ng langgam kaya may kumakagat sakin… Yun pala yung loob ng pantalon ko puro langgam na… Dami ko tuloy kagat, tsakit… hehehe

    Axel´s last blog post..Simpleng Bagay Lamang

    [Reply]

    V Reply:

    hindi ka nagiisa. dun sa luma naming bahay, ipis naman yung nasa loob ng pantalon. yuck, pinatay ko yung ipis sa loob ng pants ko.

    tangena, kadire

    [Reply]

  10. mayui said,

    on October 4th, 2008 at 6:05 am

    ouch!!
    lagyan mo ng alcohol yung kinagat, para di makati.
    ako rin nabiktima ng twalyang may langgam dati. printed na brown naman yung sa ‘kin kaya mahirap din makita yung mga pesteng langgam.

    mayui´s last blog post..Iisa Lang

    [Reply]

    V Reply:

    kung ano ano na nga ang pinahid ko. vicks, vco, alkohol. tsk sa muka pa kasi nila napili mangagat. manipis pa naman ang skin ko sa muka

    [Reply]

  11. lunes said,

    on October 4th, 2008 at 5:50 pm

    naku V.. ang sakit nyan.saka ambilis ka niyang kinagat.buong katawan pa.

    ang sweet mo kasi eh.wehehe.

    [Reply]

    V Reply:

    thanks amiga! *batting eyelashes*

    ahaha, talandi!

    [Reply]

  12. na* said,

    on October 4th, 2008 at 6:40 pm

    hehe, nanyari din yan sa akin dati..bicol days, ayun, nagigising din ako dahil sa kagat ng langgam…at dito ko napatunayan na nakikisali talaga ang mga langgam sa bahay at buhay ng mga tao…. e kung ako kaya ang tumira sa ant hill nila, matutuwa ba sila….asar!

    hmmmm,maiksi, sana makapagbasa pa ako.

    [Reply]

    V Reply:

    napakagandang logic. haha ikaw talaga NA ang batang bibo dito sa intarwebs. ant bully nga ako e. wag sana ako magshrink.

    [Reply]


  13. on November 10th, 2008 at 1:15 pm

    [...] your expensive brand new undergarments have holes bitten by ants [...]

Leave a reply